June 30, 2012

Biruin mo?

May mga bagay sa mundo na pag dumating sa buhay natin, dapat gina-grab na kaagad. yung tipong wala nang PALIGOY-LIGOY pa. kumbaga, go with the EXTRA MILES ang eksena.

Hindi ko din naman masisi yung iba kung napangunahan sila ng TAKOT. Mahirap kalaban yan. Katulad na lang nang-nangyari sakin. Noong June 15, 2012. Exactly 15 Days ago.

"I was ranting to my blockmates the whole day. sabi ko: "Sino bang sasama sakin! Kailangan ko manood ng Kimmy Dora!" Walang may gusto. pero kailangan ko kasi manuod! Hinid ko alam kung bakit pero sinasabi ng utak ko na kailangan akong makapanuod. Whatever it takes!

Until my Besties (Vielka, Kaye) and eventually Benj accompanied me. Napaka-saya ko nung araw na yun. nasunod yung plano ko. walang nakapigil. maliban na lang sa ulan at yung screening time na 5:25! 

Ang Kwento:

We arrived at Glorietta 4. Naulanan, Hingal sa pag takbo pero expecting nothing but to laugh off our seats! kaya lang may TWIST

Nasapila na ako. Right side ng bilihan ng tickets. 1 st column. 4th in line. medyo odd sa feeling. dahil 25 minutes na lang, magsisimula na yung movie. AT may nakita ako sa harap ng pila. Itago na lang natin siya sa pangalang "THOR". (Hawig niya si Chris Hemsworth I swear!)

Of all places, dates, etc. biruin mo, After 4 years. nakita ko siya. Naramdaman ko yung dibdib kong pumintig ng bongga. yung feeling na gusto na niyang lumabas sa kinalalagyan niya para makipag usap sa kanya. 

Alam mo ba ginawa ko?  Ni-lock ko syempre! baka makawala eh. mahirap na. magulantang ang Glorietta. (Pagbigyan!) Anyway, ayun na nga. napalingon siya. nakita niya ako. nakita ko din siya. we were shock. "Si ano ba talaga to?" yun lang ata nasabi naming dalawa. After niyang makabili, he stand by sa may right most likod ng smokeys. waiting for me to take the chance and talk to him. but I didn't. OO. nagmamaganda ako. Ang totoo niyan, kinakabahan ako. sobrang kinakabahan. na sa sobrang kaba ko, nahulog barya sa wallet ko.

Already got the tickets. what's next? Syempre bibili ng popcorn. eh nasa gilid lang siya diba. so medyo nakaka-ilang. pero wala akong magagawa, so go. Dead-ma na. pero si Thor, hinihintay niya talaga akong mangusap. hinihintay niya akong magsalita. pero hindi ko nga magawa kasi nahihiya ako!

Umalis kami ng Taters na nakasunod pa din ng tingin si Thor. gusto ko nang lapitan, kaso may mga dumating na friends niya. so bumili na lang ako ng sa Fruitas. i was about to buy na when my friends ran to me and said, "KEVIN, nakatingin siya sayo!!" (in between, kinuwento ko na sakanila agad yung feelings ko, yung about kay thor na nandito sa harap ko and etc.) "Ako: Lol." (sabay tumingin sa gilid only to find out na nakatingin siya while smiling.) Kinikilig ako. pero nandun pa din yung kaba ko na, baka isnobin ako. WAG NA LANG.

"YUNG MGA MANONOOD PO NG KIMMY DORA, PILA NA." - KUYA GUARD. 

Pagusapan natin ang pagkakataon, tignan mo nga naman, Same lang panunuorin namin. Magkasunod kami sa pila. "PATAY" Sabi ko sa sarili ko while nag i-inspect ng gamit si ate sa bag. Nagintay siya for about 10 sec. (approx) sa may pinto. wala siyang kasama. kaya hindi ako nag fi-feeling. Ewan ko kung bat siya nag iintay sa may pinto. basta nung na feel niya nang matatpos na si ate ng pag-iinspect, Bigla siyang pumasok.

Ayan na. nasa loob na kami. "Ako: NAIIHI NA KO!" "Vielka: Ano ka ba, tignan muna natin siya bal! para alam natin kung saan uupo!" "Kayen: Oo nga baby! halika na!

Okay. so pumasok na nga kami. pinigilan ko for 5 minitues yung pantog ko, until dumating sa point na sumuko na ako. ibinaba ko yung orange kong bag at tumakbo papuntang restroom. So yun, hawak ko na.. yung Pintuan tapos biglang bumukas. Guess what, si Thor. I wasn't expecting Thor na nandun sa loob! all I know was nandun  na siya sa loob ng sinehan. settled na at walang ginagawa kung di maghintay lumabas si Ate Uge. Pero mali ako! Nakatingin siya sa akin. Yumuko ako at pumasok. (Ang tanga lang. bow)

After mag restroom, nakakaloka nanaman. nasa may hagdanan siya. ewan ko kung anong ginagawa niya. basta naka tambay lang siya dun na nakatingin sakin nang naka smile. teng tenenen! Tumakbo ako!! para akong tanga. seryoso. Ewan ko kung bakit, basta tumakbo ako papasok. habang siya, pumasok after ko nakapasok. another round of applause for me. ang gaga ko. pinalampas ko nanaman ang pagkakataon para mangamusta. kahit sobrang saglit lang.

(AFTER 2 HOURS OF WATCHING)

Tumayo na ako kagad. akala ko susunod na yung tatlo. pag-kalingon ko, wala pa sila. eh di nag stop ako. after several minutes, Nakita ko, same line lang pala kami ng upuan! Walangya tong mga kaibigan ko talga oh. SINABAYAN pa nila nang lakad.  No Choice. Hinintay ko sila.

Ayan na. parang tumugtog yung close up theme song. Inch by Inch. sabay nag stop siya. napalingon ako opposite to them and start walking. Grabe, legit. Katabi ko na si Thor. at ang nakakatawa pa, sinasabayan niya ako maglakad. pag titigil ako. titigil din siya. (Ang saya mo teh) Kinikilig ako oh!!!!! Lol. Ehh tumawag Si Daddy Wilson.(Daddy ni Vielka) which is a Good thing kasi nasabi ko na "Daddy si Kevin po to." Nakita ko yung mukha niya nung narinig niya yung sinabi kong ako to si KEVIN. ngumiti siya, ngumiti na parang naluwagan ng pakiramdam na. "Si Kevin nga to."

Hanggang pag re-restroom nung tatlo sa labas, mag-kasabay kaming nag lakad. lumilingon lingon siya. na ako naman, nilabas ang phone at kunyaring nag tetext. (Tas yung tatlo tawa ng tawa samin. paano banaman halatang halata na gusto naming dalawa mag usap.)

Pumasok na yung dalawang sa girls. Si Benj naman sa kabila with Thor. Sumilip ako from my view sa may pinto. he was glancing din. nagtago ako at tumawa ng bahagya. (Lol. baka kasi sabihin nung mga tao sa labas, naninilip ako!) Until lumabas na siya. lumabas na siya. Lumabas na siya. si Thor!

THOR: Uyy! :)
AKO: *tumungo and then smiles back*
THOR: Pumayat ka na ha!
AKO: Ha? Haha. di ahh. :)
THOR: Hahaha. Sino kasama mo? :)
AKO: Friend ko. :)
THOR:  Ahh, yung guy?
AKO: Yah. :)
THOR: Osigee, labas na ako. :)

(HINDI KO ALAM KUNG BAKIT KO SINABING FRIEND NA SINGULAR. Eh APAT KAMI.) Strike 3. Tanga mo teh. Basagin ko mukha mo eh.

Sabay lumabas si Benj. "Benj: Ano? Nakausap mo na?" Ako: Oo. :(" "Benj: Ehh bakit parang ang lungkot mo?" "Ako: Hindi ako gaano naging interactive eh." "Benj: Hala! Halika labas tayo!"

Lumabas kami. I was looking for him. tumambay kami sa may Nokia TV na pinapag-labasan ng mga trailers. i was looking towards Burger King. si Benj sa may Wendys. he was smiling. syempre na curious ako. I asked him. "Anong meron?" sabay ngumuso siya. pagka-kita ko, si Thor na sa may fruitas. Bumibili. Nakatingin samin. Naka smile. Hinampas ko si Benj, sabi ko, "bat di mo sinabi! kaasar to." "Wala lang" sabi niya. Hanggang lumabas na yung dalawang babae, and we're ready to hit the road.


Eto na nga:
I ended up crying. the whole night. feeling ko nawala yung dibdib ko. feeling ko, part of me was left there watching kimmy dora 2. I prohibit myself from wishful thinking. masakit ehh. I forgot the supplement and what made KEVIN, KEVIN. yung Confidence. Yung ka-Kapalan ng makuha. yung Pranka at Walang hiya makipag usap.

YOU ONLY LIVE ONCE. Nasakto din sa wakas tong YOLO na tao sakin. I did realize na dapat ako na yung nauna. tutal naman welcoming aura niya. kaso nmaunahan ako ng takot. naunahan ako ng hiya. You know what's the worst thing? YUNG SARILI KO. I let my self to be in my position that day. hindi ko nilabanan yung emosyon ko. Natakot ako ehh. Normal nga ako sabi ni Dr. Cuevas :) (HAHAHAHA.) Pero hindi. Nandun na, sinayang ko pa. sinong tanga? Edi si Watta! Diba?

Thoughts to ponder:
Naisip ko nanaman yung buong pangyayari and laughed for a moment. binaling ko ulit yung sarili ko sa phone ko. While browsing my phone notes, may nakita na akong quote. hindi ko alam, pero ang tagal na niyang nandun. It was dated August 26, 2011.. feeling ko this was the right time to use it."As we grow older, it's not the things we did that we often regret, but the things we didn't do. That's why God created tomorrows for us makes things up." :)

"If I could go back in time and fix all the mistakes I made, I wouldn't because it has made me who I am today."

Hoping to see you, Again.

Love,
Kevin ♥ 

ACCOUNTS: TWITTER • FACEBOOK • INSTAGRAM