November 24, 2011

From the Start.

Moving On. Its a broad and risky thing to take (for some) pero is't worth to do nga ba? I mean, kakayanin mo ba? or you'll end up medyo "suicidal"?  andaming tanong no? Here's my take.

I fell In love.  I thought he/she would love me in return. Dibdiban. as in, everything was poured out. I don't know if it is the time or ano that made us part ways.

We were sort of doing an undercover mission. A character nobody knew but me and him/her. I was in character, I know he was din, pero for some reason, parang nagiging totohanan na. Uulitin ko. Maraming rason. basta nahulog ako sakanya and I'm sure he/she felt the same way. Until the worst part came and poof. nawala na lang lahat.

Eto na nga:
Naka move on na ba ako? Oh yes! HOW?  sa ganitong proseso.

I was suppose NOT  to move on. bakit? kasi i was attached talaga with this person. I was enjoying the attention (which i should not pero i did) I was YOU that time. tapos yun. I came to realize something. a feeling na dapat matagal ko nang ginagawa. TUMIGIL. tumigil sa pag papatuloy, tumigil sa pag papanggap.

hindi ko kinailangan ng isang bagay na maging rason para layuan siya. hindi ako naghintay ng panahon para kamuhian siya. what did I do? In-enjoy ko na lang. Weird yes, pero dahil dun hindi ako naging bitter. mas ginawa kong nakakatawang alaala yung mga pangyayari. hindi ako nag mukmok. (okay, nag mukmok pero saglit lang) and most specially, hindi ako lumayo. I stayed. Why? kasi the more you avoid that person, the more you  miss everything about him/her. PROVEN TESTED mga kapatid.

Thoughts to ponder:
No matter how hard it is, no matter how many times you tried, TRY. hindi mo kailangan bumigay at sumuko na lang. talo ka. talong talo ka kung ikaw ang susuko.kaya lumaban ka. fight for that ugly feeling. pero don't cross the line ha. wag ka namang magpapansin para lang mag move on. you keep it cool. you keep it low. mas okay mag end up nang ganyan. pero the best thing you can do talaga is to Kneel and Pray na sana, malagpasan mo din yang pinagdadaanan mo. 

"Hindi porket hindi ka na pinapansin, eh wala ka nang halaga sa kanila. Minsan, ayaw lang niya makisawsaw sa taong katulad mong MASAYA na, sa piling ng IBA." :)


Love,
Kevin ♥ 

ACCOUNTS: TWITTER • FACEBOOK • INSTAGRAM 

November 04, 2011

Crush is Paghanga?

Crush? So what exactly does that word mean? Para sakin, Crush is PAGHANGA (Admiration) or Spesyal na PAGTINGIN (A person you are eyeing) to an Opposite/Same sex. Pero what does it mean to you? Nauuwi ba to sa matinding "Boom ba doom boom boom ba doom doom bass" ng puso mo? O Pusong Bato ni Jovit Baldivino?

Dahil the word "Crush" today is transformed to a whole new level, yan ang pag uusapan natin. 

To share some ideas or some points, mag she-share ako ng mga experiences with this kind of dillema. It would be from My own and My Friends (na walang kaalam-alam na binebenta ko na sila sa blog ko.) who are open to this matter naman in kahit papaano.

(Ang mga tao sa kwentong ito'y hindi imahinasyon. Ang iba pa dito'y kilala nang ibang mambabasa na close ng may akda. Patnubay at Gabay  ay kailnagnan.) 

(STORY 1)
Title: Si King B

*Si King B ay isang ilusyunadang na nangagarap nang sobra. Explorer ang lola mo. so marami siyang naranansan sa pag lalakbay. Mga hinagpis at peklat ng nakaraan ang kasama niya sa paglalakbay na iyon. until he met BEN na isang sikat na rising star. (Oops, hindi niya tunay na pangalan, pero totoo ang tag ko sakanyang rising star!) masaya sila. FRIENDS. Isang matalik na magkaibigan ang dalawa. time pass by, medyo na fall in love tong si Kiben. (arteeeh! time pass by!) nagtapat siya kay Ben. Nagulat si kiben na, hindi na-awkwardan tong si ben. (Haba ng hair putah!) So patuloy pa din ang friendship nila. mga ilang taon ang lumipas, napansin ni kiben na, iwas at hindi na sila gaanong nagkakausap ni ben. (wala namang problema kay kiben ee. chos!) dinamdam ni kiben ito. (sabi ko sainyo, wala kay kiben yan ee!) nag laslas si ateng! (Exxage lang) muntik mag laslas i mean. Pero dahil matalino si kiben... He confronted ben. with all his guts. until narinig na niya ang mga salitang inaasahan niya... (Hindi ko na sasabihin dito kung ano yun. baka kasi diba, mai-plug ko to sa facebook. eh friend ko siya. :))) makahalata pa! Deds ako nito!)

Remember:
Walang problema magkacrush sa same sex mo. basta you know the limitations. in this story kasi, na brag ng feelings niya si kiben. resulting to some malfunctions. kaya mas okay siguro na FRIENDS FRIENDS WITH BENEFITS ang story line niya. malay mo ma-develop diba? Pero kung ang KA-ibigan mo ay Mas malandi at mas makiti pa sa kiti-kiti, eh, SAPAKAN NA YAN! 

(STORY 2)
Title: Online Crush
(mga crush mong hanggang monitor mo lang nakikita't nakakusap. pinapantasya mo siya kada bukas mo ng CPU mo. Minsan pa nga, inaalayan mo siya ng kung anu-ano, na feeling mo, ramdam nila lahat iyon.) This story naman is for everyone i knew na nagkaron ng Crush na trending sa world of web. I know what you mean. i know what i mean. si ***** ay isa sa mga kinabaliwan nating mga Filipino. (Ay nanghula sa 5 letter words na binigay ko! Aminin! Lol.) 

*Nauso si Mr. Cool guy sa Internet with all his banats and everything. I know. lahat ng katangian ng isang "DREAM GUY NIYO, ASA KANYA NA." (kahit ako. Haha. Chos.) Mabilis ang mga pangyayari. Maraming nag sabunutan, makapag online lang sa computer shop. maraming umiyak sa kadahilanang hindi na nila pwedeng ma-add itong si Mr. Cool guy. (Sorry, Friends kami. Mehehe) until etong si "Chenelyn" ay umeksena. feeling ko, Stalker siya ni Mr. Cool guy ee. Biruin niyo, wala a siyang ibang bibig kung di: "ANG GWAPO NI *****" mga 45678912 times kada araw. (nabilagn ko yun bakit ba!) until we helped her to be friend Mr. Cool guy. Kina-ingitan siya ng marami. Eh close sila ee, sino bang di maiingit dun! (oo nga naman) Chat, Talk, Chat, Talk Its a Cycle. Tumagal, medyo nabawasan naman na yung kahibangan ni Chenelyn kay Mr. Cool guy. hindi niya sinabi yung rason, pero we knew it was IT. 

Remember:
Minsan din naman, iwasan na natin ang mga kahibangan ito. Hindi naman sila omnipotent para malaman nila lahat ng sakripisyo niyo for them ee. haven't you realized na nag aaway na kayo ng mga magulang mo, mapaloadan ka lang nila para masubaybayan yung mga update ng 2366 ng Artistang kinagigiliwan niyo? Reality bites, yung iba sa kinahuhumalingan niyo sa personal, MAS mataray pa kay Ms. Tapia at Clara.

(STORY 3)
Title: Ang Malalabong Tao.
(eto naman ang mga tipong crush nila ang isa't isa, pero naglalro ang dalawa ng "Hide and Seek" medyo MALABO mata nung babae. Ewan lang si lalaki. Alam ko kasi Maitim lang siya ee. (Ooops) Ahh basta, basahin niyo nalang to.)

*Desperada, Echosera at N.B.S.B itong si Marabells (Hindi niya tunay na pangalan, pero mataba siya.) Maganda naman siya at May ipagmamalaki. (meron nga ba? Nyahaha.) moving on, masayang namumuhay si marabells sa kanilang ancestral house ng mga altamira (antaray, napadpad tayo sa PUNYETA KA ELISA! Mehehe.) kasama ang kanilang mga kapamilya. hanggang may naglipat bahay sa katapat nilang mansyon. (Oo, masnyon) his name was Mapua. (hindi ko to professor sa math, neither school. *eheeem*) Tall, Dark and Handsome. (matalino? next characterisitc!! mehehehe.) madali silang nag click. click. click. click (crush nila ang isa't-isa). After 4 years, tumanda na sila, Mapua felt something. feel na niyang mag tapat. so boom. alam naman na din ni marabells na parehas silang may pagtingin. kaya lang.. may problema. TORPE SILANG DALWA. Ahuh. i know. they suck. maliban dun, may iba pang mahal si Mapua. *Ang sagwa nang set-up* kaasar. Nagtapat, Naging Mas-Close. Pero naging sila ba? HINDI. Why? Sa paglalaro nila ng Hide and Seek. Parehas silang nawala sa pagtatago.

Remember:
*ehem* (clearing my throat para sa ultimate buga ko dito) ISANG MALAKING KAGAGUHAN ANG SEGMENT KONG ITO. Nakakainis kasi sayang lahat ee. alam niyo bang nagkaroon ng world war three thousand eighty-eight dito? -____- basta ang payo ko lang, mas okay kung magpapakatotoo kayo sa isa't isa. Or you'll end up like them.

(STORY 4)
Title: Pagpapanggap
(halatang crush na, Obvious na, Nakakaloka pa ding magdeny! Che!)

*chananan! Excuse me, Excuse me, (Umupo) Ang ganda naman ni ate! sabi nung isa. Oo nga! hangos nga pangalawa. Sabay nag salita si ate ng HELLO PO. AKO BUDAY. (Chos lang) Si buday. yan si buday. eto si buday. Super Close kami ni buday. (may tawagan pa kami nito ee, related sa mga twins? Mehehehe) Recently ko lang na confirm na buday has a crush on Smurf. (Omygash. halta ba masyado?) eh basta. trip ko silang idamay ee. So yun nga. its not a big deal naman ee. pero masaya naman silang tignan. bagay. may chemistry. pero pag tinanong mo sila? DENY! DENY! DENY!  para kang sasakay sa Roller-Coaster na may Height limit! Kaloka. (kung hindi pa ako nag usisa, nga-nga ang ending ko. hindi ko masasama tong kwento na to.) Bottomline? hindi naman sila pwedeng maging. kasi taken na si smurf. basta, bagay sila. maganda't pogi, matalino, at maipagmamalaki.

Remember:
As i said earlier. magpakatotoo is the best way to make everything fall into their places. pag nagpakatotoo ka sa nararamdaman mo, wala namang magbabago. pwera na lang sa outlook ng buhay mo. pero, HELLO? CRUSH nga lang diba? bakit mo kaialangan itago? :)

(STORY 5) 
Title: Natural Disaster
(Grabayshus to. Tinalo pa ang Ondoy, Milenyo at kung anu-anong bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility mahalin lang siya ni ULTIMATE Crush niya! Talo pa niya si Shamcey sa Tsunami walk nito!)

*Oha. mapagmalaki siya, epal, at feeling close na close niya yung crush niya! yan si Aura! mahilig siyang mang-akit. mapunta lang sakanya ang mga crush niya. minsan pa nga, pag trip niyang mang-agaw, babagyuhin niya kayong mag dyowa! (totoo ito) Crush na nagturn into LOVE. matinding forte niya to. ( I know Crush ang usapan, pero baka gusto niyong mabasa tong kwento niya diba? baka matamaan siya... este matouch kayo kasi, biktima niya kayo. mehehehe.) ayun na nga. madami na siayng i-nearth quake na realtionship. she is not contented. (hopefully may reason siya dito) kaya lang, hindi niya ma-imagine na maraming nasasayng relasyon sa kagagagahan niya. judging by her looks. uhmmm. okay naman siya. pero may "Halitosis" ang bruhilda. (sabi sabi lang ng mga kaaway niya) What happen now? hindi ko alam. Pero I heard na kinarma na siya. at napag alaman ko ding binasa niya ang second blog post ko. ;) HAHAHA!


Eto na nga:
CRUSH. Andaming segways nga salitang ito, pero one things for sure. pag natamaan ka ng Crush mo. 2 lang yan. "MAINLOVE KA." o "WALA LANG SIYA SAYO." in some cases kasi, we all tend to make things a little bit complicated. dapat, pag-crush, yun lang. Inspiration to be the best. Key to be successful. a venture of feelings. (ano daw?)

para naman sa mga kinababaliwan nitong mga mokong na to or the "CRUSH ni Crush" Be sure you would not make them feel anything special. i mean, you should know your limitations din. Minsan kasi, you guys are fond of making them feel so special. i know its your trait. pero EARTH TO YOU. not everyone knows na ganun ka mag-deal ng emotions or feelings. so if you're that sincere na friends lang, from that start pa lang, tell it to them. yung tipong tatawanan niyong dalawa yung conversation niyo after it.

para sa mga nagkaroon ng traumatic experiences. I'll pray for you. :) Ask God kung sila na ba talaga ang para sainyo. and kung totoo ngang sila. edi Go! basta don't force them to be inlove.

Wag Dibdibin, kung ayaw Masaktan. Wag ipilit kung ayaw mong tuluyan ka niyang Kalimutan. :)

Love,
Kevin ♥

ACCOUNTS: TWITTER • FACEBOOK • INSTAGRAM 

November 03, 2011

Makinig ka sakin.

Karma and Regrets. did they somewhat had an affair before? para kasing ang bitter nilang dalawa eh.

How would i start this? Hmm. Medyo nahihirapan ako. (Honestly) Pero ito na lang,, BOY AND GIRL were together for so long as in super long. Ups and Downs, just like a normal relationship cycle. Victories lahat ng events sa buhay, until the day they broke up because of their contrasting choices. I was there. I guess it was the hardest part sa break up. yan yung, Regrets

Maraming Regrets. Specifically, kay Boy. Si Girl? well, let say one day was enough for her to move on. The Girl fell in love with this charming boy. Well, Okay naman siya, Gwapo, Matipuno, Mayaman. pero Babaero. Isang katanginang kina-aayawan ng lahat. The Girl knew it from the start. she had that odd feeling na this new Boy has some "flirtation game" going on, kahit sila na. So after a month, naging sila. The following month, no surprise, they broke up. Why? Same issue. Biruin mo nga naman no, mabait talaga tong si Karma.

Karma. Maniwala ka man o hindi, galing man to sa budismo, kahit pa di ka maniwala sa relihiyong pinanggalingan niya, totoo siya. Iba't ibang tawag, pero iisa ang nangyayari. pag nangyari yan sayo, dyan pumapasok si Regrets. Sang katakot takot na tanong. ilang balde ang mapupuno mo kaka-iyak. Wishing everything you did wrong can be "undone". Nakakaloka. 

Eto na nga: 
Contentment. We should all be thankful for what we have. Paalala lang, hindi habang buhay nanjan sila. So while they're still there, cherish every day. savor every hour and enjoy minute hanggang seconds of their company. sagadin mo na!

Kung may problema man, utang na loob, "Talk It Out" Privately, hindi "Walk It Out". Yung tipong, libre kayong magsalita to express your feelings. As in, kayong dalawa lang. yung walang makakapag-interfere. Hindi yung nasa public kayong lugar tapos dun mag tatalakan. wag ganon beh. konting hiya. konti lang.

Wag gagawa nang mga desisiyong hindi napag isipan ng Isang Trilyong beses. One of our "breakup habits" is making decision while on rage over that person. Mahirap yan. Cool muna. Dito ka nangangailangan ng magandang tulong sa iyong mga kaibigan. (be sure hindi bias ang friend mo. go for that friend/s who views both sides and hindi ka tinotolerate or something.)

Lastly, don't forget to ask God's guidance. Dude, believe me, prayers are powerful! Pwede din sa parents (kung open kayong dalawa sa isa't isa) or to whoever man na sinasabihan mo nang sikreto mong MAS malupit pa sa chismis na matanda na si Madonna. 

Love,
Kevin ♥

ACCOUNTS: TWITTER • FACEBOOK • INSTAGRAM 

November 02, 2011

To More Blog Posts.

Blogging isn't my real hobby. siguro, mas appropriate kung sasabihin kong, mas okay ako maging MAMBABASA. but through and through, A Good Reader is classified as A Good Writer. that's why i decided to venture into the world of blogging.

So Kevin, What can you offer us, as your readers?
First and foremost, I created this blog for a prime purpose (and i think everyone will agree upon it.) To Share Experiences in the different aspects of LIFE, LOVE and What the world is Trending to. so there. gusto kong makapag-bahagi ng mga karanasan na akma sa panahon and syempre sa sarili ko. bilang isang Teenager. i want this blog to be like a home for some of you guys na, hindi maka pag-open up or kailangan ng ears and time to talk to. (Pero hindi naman ako magpapaka-santo or something sainyo) kumbaga sa pamilya, I will only be your Kuya/Ate in searching for the right answer in your personal queries.

So How would you express your self?
I guess, (and its so obvious) that I'll be posting "Taglish" entries. hindi dahil sa I'm not fluent to it, pero i would rather write blogs in to that stature, para mas maintindihan ako nang mga readers ko. kumbaga, magkakaroon sila ng easy interactions, reactions and realizations kung akma sa kanila yung blog entry ko.

Any final words?
I would like to take this opportunity to thank God for giving me this talent. kung hindi dahil sa kanya, i would not know/learn how to express and share myself to everyone. Sa parents ko, na nag babayad ng "WIFI" namin, makapag-Blog lang ako. and lastly to everyone who is reading my posts. atleast kahit papaano, natulungan ko man kayo na alam ko, or hindi, Magiging masaya pa din ako, ikaw, tayo. :)

Love,
Kevin ♥


ACCOUNTS: TWITTER • FACEBOOK • INSTAGRAM