November 03, 2011

Makinig ka sakin.

Karma and Regrets. did they somewhat had an affair before? para kasing ang bitter nilang dalawa eh.

How would i start this? Hmm. Medyo nahihirapan ako. (Honestly) Pero ito na lang,, BOY AND GIRL were together for so long as in super long. Ups and Downs, just like a normal relationship cycle. Victories lahat ng events sa buhay, until the day they broke up because of their contrasting choices. I was there. I guess it was the hardest part sa break up. yan yung, Regrets

Maraming Regrets. Specifically, kay Boy. Si Girl? well, let say one day was enough for her to move on. The Girl fell in love with this charming boy. Well, Okay naman siya, Gwapo, Matipuno, Mayaman. pero Babaero. Isang katanginang kina-aayawan ng lahat. The Girl knew it from the start. she had that odd feeling na this new Boy has some "flirtation game" going on, kahit sila na. So after a month, naging sila. The following month, no surprise, they broke up. Why? Same issue. Biruin mo nga naman no, mabait talaga tong si Karma.

Karma. Maniwala ka man o hindi, galing man to sa budismo, kahit pa di ka maniwala sa relihiyong pinanggalingan niya, totoo siya. Iba't ibang tawag, pero iisa ang nangyayari. pag nangyari yan sayo, dyan pumapasok si Regrets. Sang katakot takot na tanong. ilang balde ang mapupuno mo kaka-iyak. Wishing everything you did wrong can be "undone". Nakakaloka. 

Eto na nga: 
Contentment. We should all be thankful for what we have. Paalala lang, hindi habang buhay nanjan sila. So while they're still there, cherish every day. savor every hour and enjoy minute hanggang seconds of their company. sagadin mo na!

Kung may problema man, utang na loob, "Talk It Out" Privately, hindi "Walk It Out". Yung tipong, libre kayong magsalita to express your feelings. As in, kayong dalawa lang. yung walang makakapag-interfere. Hindi yung nasa public kayong lugar tapos dun mag tatalakan. wag ganon beh. konting hiya. konti lang.

Wag gagawa nang mga desisiyong hindi napag isipan ng Isang Trilyong beses. One of our "breakup habits" is making decision while on rage over that person. Mahirap yan. Cool muna. Dito ka nangangailangan ng magandang tulong sa iyong mga kaibigan. (be sure hindi bias ang friend mo. go for that friend/s who views both sides and hindi ka tinotolerate or something.)

Lastly, don't forget to ask God's guidance. Dude, believe me, prayers are powerful! Pwede din sa parents (kung open kayong dalawa sa isa't isa) or to whoever man na sinasabihan mo nang sikreto mong MAS malupit pa sa chismis na matanda na si Madonna. 

Love,
Kevin ♥

ACCOUNTS: TWITTER • FACEBOOK • INSTAGRAM 

No comments:

Post a Comment